Home NATIONWIDE Early voting sa seniors, PWDs isinusulong ni Angara

Early voting sa seniors, PWDs isinusulong ni Angara

MANILA, Philippines – Masugid na isinusulong ni Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara ang pagsasabatas ng isang panukala para sa early voting privileges sa matatanda at persons with disability o PWDs.

Sa pahayag, nanawagan si Angara sa pagsasabatas ng panukala matapos magkaroon ng positibong resulta ang implementasyon ng Commission on Election’s (Comelec) pilot testing ng early voting scheme para senior citizens at PWDs sa ginanap na barangay and Sangguniang Kabataan (SK) elections nitong Oktubre 30.

Ayon kay Angara sa paghahain ng Senate Bill No. 777, na agahan ang pagboto ng matatanda at PWD sa pagpunta sa precincts sa pamamagitan ng pagbibigay ng early voting privileges at maaari na itong maipatupad sa mga susunod na halalan.

“It is encouraging to hear from our Comelec Chairman (George Garcia) about the positive reception of our senior citizens and PWDs to the early voting scheme in the two pilot cities,” ayon kay Angara sa pahayag.

“It clearly shows that in spite of difficulties they experience, they always make it a point to exercise their right to suffrage,” aniya.

Binanggit ng poll chief ang “blockbuster” turnout sa pilot implementation ng early voting for seniors at PWDs sa Naga at Muntinlupa City, na nagpunta sila ng alas-5 ng umaga upang bumoto sa barangay election.

Kaya’t hinikayat ni Garcia ang Kongreso na ipasa kaagad ang panukala upang payagan ang vulnerable sector na bomoto nang mas maaga kaysa itinakdang panahon upang maipatupad na ang patakaran sa 2025.

Nakita naman ni Angara na kailangan payagan ang mga seniors at PWDs na bumoto na hindi lalampas sa dalawang araw sa loob ng 15 araw na election day.

“Seniors and PWDs who register for early voting will have the option to cast their ballot via post in designated precincts. The bill, he said, also seeks to amend Republic Act 10366 or the law that authorizes the Comelec to establish precincts assigned to accessible polling places exclusively for PWDs and senior citizens,” aniya.

Sa ilalim ng panukala, layunin ni Angara na bigyan ng kapangyarihan ang Comelec na magtakda ng presinto bilang accessible polling places na ekslusibong gagamitin ng PWDs at seniors sa lahat ng public schools, town halls o plazas, civic centers, community centers o katulad na lugar na ligtas at maayos na makaboboto ang lahat.

“Nakakalungkot ang mga balita na marami pa din ng mga seniors natin ang pumila ng matagal na panahon sa mga presinto at kinailangan pa umakyat ng ilang palapag para lamang bumoto,” ayon kay Angara.

“Kung maisasabatas ang panukala natin ay magiging mas madali at mas komportable para sa mga seniors at pati na din ng mga PWDs ang bumoto sa panahon ng halalan,” giit pa ng senador. Ernie Reyes