Home NATIONWIDE P1/litrong bawas sa produktong petrolyo epektibo bukas

P1/litrong bawas sa produktong petrolyo epektibo bukas

MANILA, Philippines – MATAPOS ang malakihang dagdag presyo ng mga produktong petrolyo na ipinatupad nitong nakaraang Linggo, magppaatupad naman ng tapyas presyo ang mga kompanya ng langis sa bansa epektibo bukas ng umaga.

Sa abiso ng mga kompanya ng langis sa bansa na pinangunahan ng Pilipinas Shell, Petron Corporation, Seaoil, PTT Philippines, Total Philippines, Unioil, Petro Gazz, Caltex (CPI) at Phoenix Petroleum, magpapatupad sila ng bawas presyo na P1.40 sa kada litro ng gasolina, P1.80 sa kada litro ng diesel, at P2.40 naman sa kada litro ng kerosene na magiging epektibo alas-6 bukas ng umaga.

May oil price rollback din sa mga nasabing produktong petrolyo sa kahalintulad na halaga ang kompanyang CleanFuel na magiging epektibo bukas ng alas-8:01 ng umaga.

Ang ipatutupad na bawas presyo sa mga nasabing produktong petrolyo ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang merkado. JAY Reyes