Home HOME BANNER STORY P10 diskwento sa diesel para sa mga PUV, sinimulan ng gobyerno

P10 diskwento sa diesel para sa mga PUV, sinimulan ng gobyerno

118
0

MANILA, Philippines – Sinimulan na ng pamahalaan ang pagpapatupad ng P10 kada litro na diskwento sa diesel para sa mga Public Utility Vehicles (PUVs) bilang bahagi ng fuel subsidy program na naglalayong maibsan ang epekto ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.

Ayon sa Department of Energy (DOE), ang programa ay inilunsad bilang pilot implementation sa National Capital Region (NCR), kung saan target na makasama ang 52 gas stations na may kaukulang permit. Sa kasalukuyan, 33 gas stations na ang naka-enroll, habang ang natitirang mga istasyon ay patuloy pang pinoproseso ang kanilang pagsali.

“There’s a P10 discount for every jeepney starting today for diesel consumption.Gas stations will be participating, as a pilot or phase 1 because this is a new program. We are targeting 52 gas stations in NCR, in Metro Manila and 52 iyan kasi ‘yan ‘yung nakalista na may mga permit sa amin. And so far, there are 33 na na-enrol na, the other 19 stations ongoing ‘yung enrollment. So, within the day makukumpleto na ‘yung 19 o kung mayroon man kayong mapuntahan na gas station na hindi nag-o-offer and dahil ayaw nilang sumama sadiscounting,” ayon kay DOE Secretary Sharon Garin.

Bahagi ang programang ito ng UPLIFT (Unified Package for Livelihood, Industry, Food and Transport), na layong suportahan ang sektor ng transportasyon at ang mga commuter na direktang naaapektuhan ng mataas na presyo ng krudo.

Sa ilalim ng programa, ang mga kwalipikadong PUV operators ay maaaring makakuha ng P10 diskwento kada litro ng diesel, na may maximum na 150 liters kada linggo o katumbas ng P1,500 subsidy. Ang subsidy ay ire-reset kada linggo at hindi na maikakarry over ang hindi nagamit na halaga.

Paano makaka-avail ng subsidy:

1. Magpakarga ng diesel sa mga participating gas stations na nakalista ng DOE.

2. Ipaalam sa fuel attendant na mag-aavail ng fuel subsidy.

3. Ibigay ang plate number ng rehistradong PUV para ma-encode sa system.

Awtomatikong ibabawas ang P10 kada litro sa kabuuang bayarin.

Ayon naman kay DOTr Secretary Giovanni Lopez, katuwang nilaang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kung saan manggagaling ang listahan ng mga kwalipikadong benepisyaryo at siyang magsusumite ng opisyal na “white list” sa Land Bank para sa validation.

“Itong 10 pesos na discount kada litro, mayroon itongcap, maximumcapper week; ito ay 150 liters. In other words,makakaasa ang ating mga pampublikong sasakyan, itong jeepney at saka UV Express ng maximum of 1,500 pesos per week,”ani Lopez.

“Kapag hindi natin naubos ‘yung 1,500 pesos, ‘yan ba ay magki-carry over sa susunod na linggo?Hindi. So, kailangan na maubos that week ‘yung five days na sinasabi natin, ‘yung PhP1,500 or 150 liters na kada linggo,” dagdag pa niya.Saklaw ng Phase 1 ang piling mga ruta sa NCR, kabilang ang:

*Commonwealth

*Quezon Avenue–España Boulevard

*Zapote Road (Las Piñas)

*A. Bonifacio Avenue (Cloverleaf–Blumentritt)

*Rizal Avenue (Monumento–Carriedo)

*Marcos Highway

Ayon pa kay Lopez, tinatayang aabot sa mahigit 171,000 PUV units sa buong bansa ang maaaring makinabang sa programang ito kapag tuluyang naipatupad nationwide. Sa Metro Manila pa lamang, tinatayang 33,000 units ang aktibong bumibiyahe araw-araw.

Layunin ng programa na mapababa ang gastos sa pamamasada, madagdagan ang kita ng mga tsuper at operator gayundin ang matiyak ang tuloy-tuloy na serbisyo sa mga commuter.

Inaasahang tatagal ang pilot implementation ng tatlong buwan, habang patuloy na mino-monitor ng pamahalaan ang epekto nito bago ang posibleng nationwide rollout.

Ito ay konkretong hakbang ng pamahalaan upang suportahan ang mga tsuper at matiyak na may masasakyan ang mga commuter sa kabila ng mataas na presyo ng langis alinsunod na rin sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here