Home HOME BANNER STORY Pagasa: 37C hanggang 38C heat index sa MM, posible gang unang linggo...

Pagasa: 37C hanggang 38C heat index sa MM, posible gang unang linggo ng Mayo

129
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na maaaring pumalo ang heat index sa Metro Manila partikular sa Quezon City  nang mula 37C hanggang 38C mula huling linggo ng Abril hanggang unang linggo ng buwan ng Mayo.

Ayon kay Ana Solis, head ng Climate Monitoring and Prediction Section ng Pagasa hinggil sa patuloy na pagsubaybay sa init ng panahon ngayon Dry season possible itong maranasan sa mainit na panahon.

Nabatid kay Solis na ito na ang inaasahang matinding alinsangan na maaaring maranasan sa Metro Manila laluna sa hapon at gabi pagsapit ng huling linggo ng Abril hanggang unang linggo ng Mayo.

Kung titindi pa anya ang init ng panahon ay maaaring umabot pa sa 40C ang heat index sa NCR.

Kaugnay nito sinabi ni Solis na sa naturang mga buwan ay maaaring dumanas ng heat index na 42C hanggang 47C sa Sangley Point Cavite gayundin sa Mindanao at Visayas area laluna sa South Cotabato at Samar na malapit sa karagatan.

Magugunitang noong 1969 anya sa kaparehong period ang Cagayan Valley ang dumanas ng maximum heat index na 42C .

Samantala hinikayat ni Solis ang publiko na maging maingat sa extreme exhaustion ngayong matindi ang alinsangan ng panahon. (Santi Celario)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here