Home NATIONWIDE P1,000 cash gift sa matatandang may birthday sa Muntinlupa, fake news

P1,000 cash gift sa matatandang may birthday sa Muntinlupa, fake news

MANILA, Philippines – Nagbabala ang lokal na pamahalaan ng Muntinlupa City sa publiko na fake news ang kumakalat na pamamahagi umano nila ng P1,000 na regalo sa kaarawan sa mga residenteng 70 hanggang 79 taong gulang.

Napansin ng pamahalaang lungsod na kasalukuyan lamang itong nagsasagawa ng mga survey sa mga matatandang residente nito upang ayusin ang database ng lungsod.

“Kung mayroon man pong kumuha ng inyong impormasyon, ito ay para ito sa validation ng mga datos ng ating mga senior citizens. Gusto nating maayos ang database at tama ang impormasyon na basehan ng mga programa ng lungsod,” base sa pahayag ng lokal na gobyerno.

Hinikayat ng lungsod ang mga residente nito na iulat ang anumang kahina-hinalang mensahe sa Philippine National Police Anti-Cybercrime Group: (02) 8723 0401 (loc. 7491), 0968-8674302 (Smart), 0967-1360322 (Globe), at 09982-98 DITO).

Dagdag pa, pinayuhan ng pamahalaang lungsod na maaaring makipag-ugnayan ang mga senior citizen sa Office for Senior Citizen’s Affairs sa Bayanan Baywalk o sa satellite office sa South Park Center.

Kabilang sa mga programang inaalok ng lungsod para sa mga senior citizen ay ang libreng maintenance na gamot para sa mga may hypertension at diabetes, Handog Kalinga, at pagbisita sa mga pasyenteng nakaratay sa kama, at iba pa. RNT