Home NATIONWIDE Senate Medal of Excellence, igagawad kay Yulo

Senate Medal of Excellence, igagawad kay Yulo

Nakatakdang igawad kay Carlos Edriel Yulo, ang gymnast na nakahakot ng dalawang gintong medalya sa 2924 Summer Olympics sa Paris, ang Senate Medal of Excellence sa magkakahiwalay na inihaing resolusyon sa Mataas na Kapulungan.

Kasabay nito, nagpahayag din ng papuri ang ilang mambabatas kay Yulo dulot ng dalawang gintong nakamtan nito sa gymnastic, kauna-unahan sa Pilipinas at unang sa kasaysayan ng Philippine Gymnastics.

Pinakamataas pagpapahalaga ang Senate Medal of Excellence na nagbigyan ng pambansang pasasalamat sa kanyang outstanding achievement bilang kauna-unahang Filipino athlete na humakot ng dalawang gintong medalya sa Olympics.

Naniniwala si dating Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri na hindi mahihirapan si Yulo na makakuha ng suporta sa Senado sa pagsasabing “truly deserves the Senate and the Filipino people’s recognition for accomplishing such as magnificent feat” sa pagwawagi ng dalawang ginto sa Olympics.

“With the Senate Medal of Excellence, we are recognizing Caloy not just for his extraordinary skill and talent, but also for his patriotism. This is our way of thanking him for proudly carrying our flag and showing the world the heart and spirit of the Filipino people,” ayon kay Zubiri sa paghahain ng Senate Resolution No. 1108.

Ayon kay Zubiri, nagsilbi si Yulo bilang isa sa pinakamahusay na Filipino athletes sa lahat ng panahon nang mapagwagian niya ang dalawang ginto sa Olympics.

Naghain din ang sariling Senate Resolution No. 1105, ni dating Senate Majority Leader Joel Villanueva sa pagbibigay ng karangalan sa bansa sa kanyang record-breaking achievements sa 2024 Summer Olympics.

“His world-class talent, unwavering determination and commitment to excellence, and masterful performance merit the highest recognition from this august chamber,” giit ni Villanueva.

Inihain din ni Senate Majority Leader Francis Tolentino ang hiwalay na resolusyon, Senate Resolution No. 1106, na naglalayong parangalan si Yulo na nagbigay ng karangalan at prestihiyo sa PIipinas at magsilbing inspirasyon ng mamamayang Filipino.

Kasabay nito, magkakahiwalay na nagpahayag ng pagsuporta ang ilang senador sa resolusyon kabilang sina Senador Nancy Binay, Alan Peter Cayetano, Lito Lapid at Grace Poe.

“Pagpupugay sa unang gymnast gold medalist ng bansa, Carlos Yulo! Isang bansa ang nakiiyak, nakihiyaw at nakipalakpak sa makasaysayang araw ni Caloy sa Paris Olympics,” ayon kay Binay.

“You are a shining example, Caloy, of how we can strive to achieve balance in our lives despite the pursuit of glory–na hindi kailangan isakripisyo ang pamilya at kaligayahan, na sa katotohanan ay makatutulong ang mga ito upang bigyan tayo ng kapanatagan, lakas, at tibay ng loob para harapin ang pinakamatinding hamon na hinaharap natin,” dagdag ng senadora.

Bukod sa suporta sa resolusyon at pahayag ng papuri, itinutulak naman ni Cayetano ang grassroots sports program matapos ang dalawang gold medal ni Yulo sa Olympics

“Congratulations and thank you Carlos Yulo for bringing more glory and honor to the Philippines… A medal for the Philippines through God’s grace!,” ayon kay Cayetano sa kanyang Facebook page nitong Sabado ng gabi pagkatapos ng panalo si Yulo ng gold medal sa Artistic Gymnastics Men’s Floor Exercise.

“Your journey from the playgrounds of Malate to the Olympic stadium in Paris is a true inspiration for every Filipino. Along the way you have shown what sacrifice, commitment, and the Filipino spirit can achieve,” aniya.

Nagpatuloy ang papuri ni Cayetano ng sumunod na gabi, Agosto 4, matapos muling manalo si Yulo sa kompetisyon ng Men’s Vault.

“Praise God! Caloy honors the whole country again! The entire nation is proud of you and your historic performance!” sulat ng mambabatas at sports enthusiast nitong Linggo ng gabi.

Binigyang-diin ni Cayetano ang pangangailangan na pahusayin ang grassroots sports development sa bansa dahil dito nagsimula si Yulo tungo sa kanyang twin Olympic gold medals.

“We really need to revitalize our grassroots sports program. The next generation of Carlos Yulos are out there, pero mag-uumpisa ‘yan with our schools and communities rallying behind their local sports programs,” aniya.

Noong 2019 nang pamunuan ni Cayetano ang Philippine SEA Games Organizing Committee (PHISGOC), pinuri niya ang malaking potensyal ng mga kabataan at aspiring athletes – kabilang si Carlos Yulo – at tiniyak na suportahan sila sa anumang paraan.

Inihayag naman ni Lapid na isang malaking karangalan ang pagkapanalo ni Yulo kaya’t saludo ang mambabatas sa husay, sakripisyo at dedikasyon para sa Pilipinas.

“Taas noo nating ipagmalaki sa buong mundo ang talento ng mga Pilipino,” ani Lapid.

Mula sa isang batang nangahas lumahok sa palarong pambansa hanggang sa isang premyadong world class athlete na nagbigay sa atin ng ating ikatlong ginto sa Olympics sa loob ng isang siglong paglahok ng Pilipinas sa nasabing palakasan, ayon sa mambaatas.

“Ang kuwento ni Carlos Edriel “Caloy” Yulo ay patunay ng kapangyarihan ng pagsisikap at pangarap. Isa kang inspirasyon para sa ating bansang uhaw sa kabayanihan! ,” ani pa ni Lapid.

Pinapurihan din ni Poe si Yulo sa makasaysayang double gold na panalo sa gymnastics.

“Hats off to Carlos Yulo for making history with his double gold win in gymnastics. His victory lifted our spirits and made us hopeful as a nation,” ayon kay Poe.

“We similarly congratulate our athletes who braved the hurdles in their respective sports, and we will continue to cheer those who are still in the games,” gitt pa ng senadora. Ernie Reyes