Home METRO P100K ismagel na sigarilyo nasabat sa Negros

P100K ismagel na sigarilyo nasabat sa Negros

MANILA, Philippines – Arestado ng pulisya ang isang 45-anyos na negosyante na nagbibiyahe ng apat na kahon ng ismagel na sigarilyo sa checkpoint sa Barangay 1, San Carlos City, Negros Occidental.

Ayon kay Police Major Ryan Villasario, deputy chief ng San Carlos City Police Station, ang mga sigarilyo na nagkakahalaga ng P100,000 ay nakalagay sa likuran ng pick-up truck.

Bigong makapagpakita ng lisensya at mga dokumento ang suspek para sa kanyang karga.

Tumanggi rin na sabihin ng negosyante kung saan galing ang mga smuggled na sigarilyo.

Aniya, dudulog sila sa Bureau of Internal Revenue (BIR) sa paghahain ng reklamo. RNT/JGC