Home NATIONWIDE P100M lotto jackpot, nasolo

P100M lotto jackpot, nasolo

MANILA, Philippines – Isang masuwerteng mananaya ang nagwagi ng P100.89 milyon jackpot sa Lotto 6/42 draw noong Marso 18, 2025.

Ayon sa PCSO, siya lang ang tamang nakahula sa winning numbers na 19-02-21-13-16-22.

Samantala, walang nanalo sa Ultra Lotto 6/58 at Superlotto 6/49.

Ang premyo sa Ultra Lotto ay umabot sa P165.89 milyon, habang nasa P32.43 milyon naman ang jackpot sa Superlotto. RNT