Home NATIONWIDE P10B kinaltas sa AFP modernization budget, ipinababalik ni Bato

P10B kinaltas sa AFP modernization budget, ipinababalik ni Bato

MANILA, Philippines – Hiniling ni Senador Ronald “Bato”Dela Rosa sa Senado na ibalik ang P10 bilyong kinaltas na badyet ng Mababang Kapulungan sa P50 bilyon na pondo para sa Revised Armed Forces of the Philippines (AFP) Modernization Program fosar 2025.

Sa pahayag, sinabi ni Dela Rosa na nangyari ang pagkaltas sa Mababang Kapulungan na ginamit ng Senate finance committee na nakatakda sa committee report sa General Appropriation Bill (GAB).

Ayon kay Dela Rosa na nagkakaroon ng kabalintunaan sa suporta ng Kongreso sa AFP sa gitna ng mapanghamon na sitwasyon kumpara sa ibinawas na pondo ng modernisasyon.

“Being a former member of the Armed Forces of the Philippines, a former member of the Philippine National Police, and now a senator of the Republic, I cannot help but point out a glaring contradiction na nakikita ko. Kasi every time may mangyaring hindi Maganda during our resupply missions to the Ayungin Shoal… our immediate reaction is like this: ‘We condemn in the highest terms this incident, and we have to see to it that we have to modernize our Philippine Navy,'” aniya.

“Iyon palagi ang linya nating masasabi as politicians, as legislators. And now, here comes the budget deliberations, binawasan pa ng PHP10 billion iyong NEP (National Expenditure Program) ng Department of National Defense… Sana coordinated palagi or synchronized iyong sinasabi natin as politicians at iyong ginagawa natin,” giit pa niya.

Tinukoy din ni Dela Rosa ang kahalagahan ng pagbibigay prayoridad sa kagalingan at moral ng sundalo at maglalayag kaya magkakaroon ng negatibong epekto ang pagkalata sa kanilang motibasyon.

Aniya, hindi dapat makadepende ang ating puwersa sa pag-iwas o takasan ang pangyayari kapag nahaharap sila sa malaking banta.

Sumang-ayon naman si Senador Grace Poe, chairman ng finance committee na ikonsidera ang apela ni Dela Rosa na rebyuhin ang panukalang alokasyon. Ernie Reyes