Home NATIONWIDE P10B Pres’l aid sa magsasaka, mangingisda ipamamahagi pagkatapos ng Holy Week

P10B Pres’l aid sa magsasaka, mangingisda ipamamahagi pagkatapos ng Holy Week

133
0

MANILA, Philippines — Target ng Department of Agriculture (DA) na simulan ang pamamahagi ng P10 bilyong Presidential Assistance for Farmers and Fisherfolk (PAFF) sa Abril 6 matapos ang Holy Week upang makatulong sa epekto ng pagtaas ng presyo ng langis.

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., nakadepende ang rollout sa paglabas ng Special Allotment Release Order (SARO) mula sa Department of Budget and Management (DBM), na inaasahang ilalabas sa Abril 2.

“Hopefully by the week of April 6. We are just waiting for the SARO (Special Allotment Release Order), which the DBM has committed to release by April 2,” aniya.

Tinatayang 4.175 milyong rehistradong magsasaka at mangingisda sa ilalim ng Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) ang makatatanggap ng tig-P2,325.

“We will be giving PHP2,325 to 4.175 million beneficiaries na rehistrado sa RSBSA,” dagdag ni Tiu Laurel.

Karamihan sa mga benepisyaryo ay mula sa rice sector na may 2.197 milyon, kasunod ang 1.475 milyong corn farmers, higit 102,000 sugar farmers, at humigit-kumulang 399,000 mangingisda sa buong bansa.

Samantala, nagpapatuloy ang fuel subsidy program ng DA na may P150 milyong pondo, kung saan makatatanggap ng P5,000 ang bawat kwalipikadong magsasaka at P3,000 ang bawat mangingisda.

Tinitingnan din ng ahensya ang paggamit ng halos P100 milyong hindi nagamit na fuel subsidy funds mula 2023 hanggang 2025. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here