Home NATIONWIDE P110K, cellphone tinangay ng tandem na holdaper sa spa sa Cavite

P110K, cellphone tinangay ng tandem na holdaper sa spa sa Cavite

512
0

MANILA, Philippines – Nasa mahigit P110,000 cash at cellphone ang tinangay ng riding in tandem na kapwa naka-itim na kasuotan matapos pagnakawan ang isang spa sa Barangay Tejeros Convention, Rosario, Cavite Miyerkules ng madaling araw, Enero 14.

Ayon sa nakalap na report, kinilala ang isa sa suspek na si alyas Mark, umano’y dating residente ng Brgy. Wawa 3, Rosario, Cavite na nakasuot ng kulay itim na jacket, itim na pantalon at itim na helmet habang ang kasama nito na nakasuot ng kulay itim na jacket, itim na pantalon at itim na helmet, na tumakas sakay ng isang motorsiklo.

Batay sa ulat, bandang alas-3:50 ng madaling araw nang naganap ang panghoholdap sa loob ng Fifthsense SPA sa kahabaan ng Gen. Trias Drive sa Brgy Tejeros Convention ng nasabing lugar kung saan pansamantalang nagpapahinga ang mga biktimang sina alyas Jone, 26, alyas Leslie, 22 at alyas Eldrick sa cashiers room nang pumasok ang mga suspek at nagkunwaring mga customer.

Dito ay kinausap ng isa sa mga biktima ang suspek nang biglang pumasok ito sa cashier’s room, naglabas ng baril, itinutok sa mga biktima at inutusang tumahimik lamang saka kinuha ang bag ng biktimang si alyas Jone na naglalaman ng kita ng kompanya na nasa P70,000 ang halaga at cellphone.

Habang sa biktimang si alyas Leslie ay tinangay naman ang personal cash nito na P30,000.00 habang wallet naman na naglalaman ng P10,000.00 at cellphone mula kay alyas Eldrick.

Matapos isagawa ang pagnanakaw, kaagad tumakas ang mga ito sakay ng isang motorsiklo. MARGIE BAUTISTA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here