Home NATIONWIDE DOH kinalampag ni Hontiveros sa guidelines sa pagkuha ng medical assistance

DOH kinalampag ni Hontiveros sa guidelines sa pagkuha ng medical assistance

254
0
Ipinagpatuloy ng Senate Justice and Human Rights Subcommittee na pinamumunuan ni Deputy Minority Leader Sen. Risa Hontiveros ang kanilang imbestigasyon sa iba't ibang isyu kaugnay ng pagtakas ng tinanggal na alkalde ng Bamban, Tarlac na si Alice Guo, mga anomalya na kinasasangkutan ang Bureau of Immigration (BI) at Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs), mga alalahanin tungkol sa espionage, at ang patuloy na problema ng human trafficking patungo sa mga scam compounds. Cesar Morales

MANILA, Philippines – Kinalampag ni Senador Risa Hontiveros ang Department of Health (DOH) na magpalabas ng guidelines sa pagkuha ng medical assistance ng publiko sa ilalim ng Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Persons (MAIFIP) upang hindi na magamit sa patronage politics sa tiwaling mambabatas.

Sa pahayag, sinabi ni Hontiveros, chairman ng Senate committee on health, na dapat tiyakin ng ilalabas ng administrative order sa medical assistance na tutuldok sa patronage politics na nakatakda sa 2026 national budget na malinaw na nakalatag ang proseso at requirements.

Aniya, dapat maiibsan ng bagong guidelines ang paghihirap ng pasyente na makakuha ng tulong pinansiyal sa gobyerno nang walang pinagkakautangan ng loob tulad ng mga pulitiko.

“Klaro ang naging desisyon namin sa Senado at House: Hindi na dapat mag-door-to-door pa sa mga opisina ng pulitiko para manlimos ng guarantee letters para lang makapagpagamot,” ani Hontiveros.

Aniya, “Kaya inaasahan ko na klaro din sa DOH na ang bagong guidelines na ilalabas nila tungkol sa MAIFIP ay dapat magpadali sa pagkuha ng tulong at hindi lalong magpahirap sa mga pasyente at kanilang pamilya.”

Iginiit ni Hontiveros ang probisyon ng reporma na itinakda sa 2026 national budget tulad ng “anti-epal” provision na inihain ni Senate President Pro Tempore Ping Lacson, na dapat matupad hindi lamang ngayon kundi sa lahat ng pagkakataon.

Idinagdag pa ng senador na nakahanda siyang simulant ang period of interpellations sa Senate Bill No. 1593 o ang panukalang Universal Health Care Medical Assistance Program (UHC MAP) na direktang magbibigay ng tulong pinansiyal sa pagamiutan at pasyente.

“Kapag naipasa ang batas na ito, klaro na hindi na kailangan pang manghingi ang mga pasyente ng GL sa mga pulitiko. Mag-a-apply na lang sila sa mga medical social workers sa ospital at mabibigyan sila ng tulong sa loob ng 72 hours,” ayon Kay Hontiveros.

“Tuldukan na natin ang panlilimos para sa GL. Ang tulong na kailangan ng ating mga kababayan para sa pagpapagamot ay dapat ibigay diretso sa kanila,” ani Hontiveros. “Lahat ng nangangailangan, dapat mabigyan ng tulong. Walang kapalit. Walang kondisyon. Walang palakasan.” Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here