Home METRO P112K shabu, baril nasabat sa operasyon sa Laguna

P112K shabu, baril nasabat sa operasyon sa Laguna

101
0

MANILA, Philippines – Inaresto ng pulisya ang isang tulak ng illegal na droga nitong Biyernes, Abril 10.

Kasabay nito ay nakuha naman ang mahigit P112,000 halaga ng shabu at armas sa buy-bust operation sa Siniloan, Laguna.

Kinilala ang suspek na si “Rhime”, 45-anyos, matapos makapagbenta ng pack ng shabu sa poseur buyer sa Barangay Liyang.

Nakuha mula sa suspek ang pitong selyadong plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu at tumitimbang ng 16.5 gramo. Nagkakahalaga ito ng P112,200.

Samantala, nakuha rin sa suspek ang hindi dokumentadong kalibre .38 revolver at dalawang bala.

Nahaharap ang suspek sa reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at illegal possession of a firearm. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here