Home HOME BANNER STORY P116.32B dagdag-pondo, inirekomenda sa 2027 budget

P116.32B dagdag-pondo, inirekomenda sa 2027 budget

5
0

MANILA, Philippines – Inirekomenda ng House Budget Amendments Review Subcommittee (BARSc) ang P116.32 bilyong amendments sa panukalang 2027 national budget, ayon kay House Appropriations Committee Chairperson Mikaela Suansing.

Kabilang dito ang pondo para sa mga programang walang inilaan sa 2027 National Expenditure Program (NEP), gaya ng school safety and security at Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) ng DepEd, fuel subsidy, service contracting at NCR busway project ng DOTr, at Presidential Assistance to Farmers and Fisherfolk ng DA.

Inirekomenda rin ang dagdag na pondo para sa social services tulad ng Assistance for Individuals in Crisis Situations (AICS), Medical Assistance to Indigent and Financially Incapacitated Patients (MAIFIP) at TUPAD.

Ayon kay Suansing, tinitingnan ng BARSc ang mga programang may “idle” o hindi nagagamit na pondo mula pa noong 2024 upang mailipat ito sa mga programang mas nangangailangan.

“Marami kaming na-identify as of now na may mga programang mayroon na silang nalaan na pondo since 2024… na hindi po talaga nila nagagamit. Some of them adding up to billions of pesos… Instead of these funds lying idle in those programs, kukunin natin iyon ngayon at ililipat sa mga programa na talagang pinaka kinakailangan,” ani Suansing.

“Ang dami nating nakikitang infrastructure projects sa ibang mga ahensya na nag-aacrue lang ang pondo nila after several years na hindi nauutilize. Hindi lang infrastructure projects. Pati ‘yung procurement ng iba’t ibang mga ahensya,” dagdag niya.

Sa P116.32 bilyong amendments, P98.86 bilyon ang binigyang-pansin ng People’s Budget Coalition (PBC), kabilang ang P10 bilyon para sa farmers and fisherfolk assistance, P28.3 bilyon para sa MAIFIP, P25.8 bilyon para sa AICS at P5 bilyon para sa TUPAD.

Nagbabala ang PBC laban sa “ayuda programs that run on politician referrals,” ngunit sinabi ni Suansing na hindi discretionary ang pagpapatupad ng mga ito.

“Hindi siya discretionary. Talagang based on a masterlist,” paliwanag niya.

Kinuwestiyon din ng PBC ang dagdag na P4.09 bilyon para sa Local Government Support Fund (LGSF), P5 bilyon para sa House of Representatives at confidential funds para sa NAPOLCOM, DOJ Osec, NBI at Office of the Ombudsman.

“Categorically, wala pong pork sa 2027 budget… Mayroon na rin pong jurisprudence on the matter that says LGSF is not pork,” ani Suansing.

Ayon sa kanya, kahit may dagdag na P5 bilyon, aabot lamang sa P23 bilyon ang kabuuang budget ng Kamara, mas mababa kumpara sa P27 bilyon hanggang P30 bilyon nitong mga nakaraang taon. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here