Home NATIONWIDE P11M droga nadiskubre sa ginibang resto sa NAIA

P11M droga nadiskubre sa ginibang resto sa NAIA

99
0

MANILA, Philippines – TINATAYANG nasa higit P11 milyon halaga ng shabu ang nadiskubre ng mga awtoridad makaraang magsagawa sila ng operasyon sa loob ng isang restaurant na giniba sa loob ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1.

Nabatid sa NAIA security officials, nasa mahigit isang kilo ng iligal na droga ang natagpuan habang isinasagawa ang pag-demolished sa restaurant kung saan natagpuan ng mga construction worker sa loob ng tatlong pouch na nakalubog sa ilalim ng dish trap.

Agad na ipinagbigay alam ng mga construction workers sa mga awtoridad na nakatalaga sa NAIA ang kanilang nadiskubre at inireport ito sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Itinurn-over naman ang mga nasabing iligal na droga sa PDEA na nasa 1,685 gramo at tinatayang nasa P11,458,000 ang street value. Jay Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here