Home NATIONWIDE Digong, 3 beses nang dumadalo sa misa tuwing Linggo

Digong, 3 beses nang dumadalo sa misa tuwing Linggo

MANILA, Philippines – REGULAR na dumadalo ngayon sa misa si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Sa katunayan, tatlong beses siyang dumadalo sa misa tuwing linggo.

“On Sundays, I go to Mass. Three times. One in the morning, noontime mass, and in the evening,” ayon sa Pangulo sabay sabing nakayayamot na aniya kasi na makialam pa sa politika.

“I am a very holy man. I’m a whole human being now,” dagdag na wika nito.

Sabado ng gabi nang bisitahin ni Duterte ang lamay ni dating Catholic Bishops Conference of the Philippines president Fernando Capalla sa San Pedro Cathedral sa Davao City.

Inilarawan ni Duterte si Capalla bilang isang mabuting kaibigan at relihiyosong tao, kinilala naman ng Pangulo ang impluwensiya ni Capalla sa kanyang personal at pampublikong buhay.

“Pinapatawag niya ako for advice to me from him. Pumupunta talaga ako sa kanya. There’s also some occasions na I sought his counsel. He was a good counselor, adviser. He was a good constituent and I respect him deeply. I am sad sa pagkamatay niya,” ayon kay Duterte.

Para naman sa iba, si Capalla ay isang peace advocate para sa Mindanao, isa ring “vocal critic” ng war on drugs ni Duterte. Hinikayat nito ang dating Pangulo na “listen to the people.”

Samantala, maliban sa pagdalo sa Misa tuwing Linggo, nage-enjoy din ang dating Pangulo sa pagbabasa ng mga libro.

Sa katunayan, “three or four newspapers” sa kanyang retirement mula sa politika, binigyang diin ng dating Pangulo na pinal na ito.

“No more politics for me. I’m retired. Retired na talaga ako. I’m tired. Ayoko na ng pulitika. Hindi naman ako nasusuka. I find it disgusting for me to still meddle in politics,” giit ni Duterte. Kris Jose