Home NATIONWIDE Pamumuhunan sa NGCP target ng Maharlika

Pamumuhunan sa NGCP target ng Maharlika

MANILA, Philippines – MAY PLANO ang Maharlika Investment Corporation (MIC) na mamuhunan sa energy sector ng bansa.

Sinabi ni MIC President at Chief Executive Officer Rafael Consing Jr. na pinag-aaralan nilang mabuti na mamuhunan sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), naglalayong mas pababain ang halaga ng enerhiya at i-transform ito sa mas “reliable at resilient grid” para mabigyan ng sapat na suplay ng kuryente ang mga komunidad.

Sa isang kalatas na ipinalabas ng Malakanyang, suportado ni Consing ang panukala ni House Speaker Martin Romualdez para sa MIC na mag-invest sa NGCP, kasalukuyang isinisisi sa malawakang brownout sa Western Visayas.

“The National Grid Corp. of the Philippines (NGCP) is the backbone of our nation’s power system, and its stability is inextricably linked to the Philippines’ economic and social well-being. I fully endorse

Speaker Martin Romualdez’s proposal for the Maharlika Investment Corp. to strategically invest in NGCP,” paliwanag nito.

“This move holds immense potential to strengthen our energy sector and pave the way for a brighter future,” aniya pa rin.

Naniniwala si Consing na kapag nag-invest sa NGCP, mapapayagan ang MIC na maging isang “dedicated partner” sa pagharap sa “complex energy challenges” ng Pilipinas.

“Investing in NGCP through Maharlika is about investing in the Philippines’ future. It will be a bold step towards securing our energy independence, fueling economic prosperity, and ensuring a brighter tomorrow for every Filipino,” ayon kay Consing.

Aniya pa, ang MIC ay “can leverage its unique financial resources and development expertise to accelerate critical infrastructure upgrades, promote renewable energy integration, and improve overall grid efficiency.”

Maliban sa benepisyo mula sa mas pinababang halaga at itinaas na kapasidad na maaaring ibigay ng NGCP kasama ang bagong pagdagsa ng investment, binigyang diin ni Consing kung paano nito pagyayamanin ang public-private partnerships sa energy sector.

“This can “set a valuable precedent for sustainable development across other critical infrastructure areas,” ayon sa kalatas ng Malakanyang.

Gayunman, sinabi ni Consing ang pangangailangan para sa maingat na konsiderasyon bago pa mag-invest.

“Transparency and accountability must be paramount throughout the process to ensure efficient use of public funds and maximum benefit for the nation. However, the potential rewards are well worth the exploration,” ayon kay Consing. Kris Jose

Previous articleGuanzon pinakakasuhan ng Ombudsman
Next articleDigong, 3 beses nang dumadalo sa misa tuwing Linggo