Home NATIONWIDE P121M scholarships sa mga batang Pinoy civil servant inilaan ng Japan

P121M scholarships sa mga batang Pinoy civil servant inilaan ng Japan

MANILA, Philippines – Naglaan ang gobyerno ng Japan ng P121 milyon para tustusan ang mga postgraduate scholarship ng mga kabataang Filipino civil servants bilang bahagi ng patuloy na suporta nito sa mga prayoridad sa pag-unlad ng Pilipinas.

Sa isang seremonya sa Department of Foreign Affairs (DFA), nilagdaan ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo at Japanese Ambassador Endo Kazuya ang exchange of notes para sa Japanese Grant Aid for Human Resource Development Scholarship (JDS) na sumasaklaw sa academic year 2025-2026.

Papayagan ng JDS ang 20 kabataang opisyal ng gobyerno ng Pilipinas na ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral sa mga nangungunang unibersidad sa Japan.

Ang JDS ay bahagi ng suporta ng Japan para sa human resource development initiatives ng Pilipinas, na naglalayong pahusayin ang kadalubhasaan ng JDS Fellows sa kani-kanilang larangan, at sa gayon ay makatutulong sa pag-unlad ng kanilang bansa.

Mula noong 2002, suportado na ng Japan ang 439 JDS Fellows mula sa Pilipinas. RNT