Home HOME BANNER STORY P13.6M shabu nasabat sa Cebu buy bust

P13.6M shabu nasabat sa Cebu buy bust

MANILA, Philippines – Nasabat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang nasa P13.6 milyong halaga ng shabu sa ikinasang operasyon sa Cebu.

Sa press release nitong Sabado, Disyembre 21, sinabi ng PDEA na naaresto rito ang suspek na si alyas “James,” 46-anyos na tubong-Bohol.

Ang operasyon ay ikinasa sa Barangay Pulpogan, Consolacion bandang 3:20 ng hapon nitong Huwebes.

Nakumpiska ng mga awtoridad ang nasa 20 packs ng shabu na tumitimbang ng dalawang kilo at nagkakahalaga ng P13.6 milyon.

Narekober ang iba pang mga gamit kabilang ang buy-bust money, P500 na cash, isang KG9 9mm rifle na may magazine at naglalaman ng five live rounds, at itim na bag.

Dinala na sa local na opisina ng PDEA ang suspek at nahaharap sa reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Ipinadala naman sa laboratory ng PDEA ang mga nakumpiskang illegal na droga para sa pagsusuri. RNT/JGC