Home NATIONWIDE P138M lotto jackpots, mailap sa mananaya

P138M lotto jackpots, mailap sa mananaya

1
0

MANILA, Philippines – Walang bettor na nakakuha ng jackpot sa Super Lotto 6/49 at Lotto 6/42 draws nitong Huwebes, Agosto 6, 2026, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Walang nakahula sa kombinasyong 30-49-05-13-36-39 para sa ₱25 milyong jackpot ng Super Lotto 6/49.

Ayon sa PCSO, isa sa bawat 13,983,816 ang tsansang manalo sa Super Lotto 6/49, o katumbas ng humigit-kumulang 0.00000715 porsiyentong posibilidad. Kailangang maitama ng bettor ang lahat ng anim na numerong binola mula 1 hanggang 49 upang makuha ang jackpot.

Noong Hulyo 16, isang nag-iisang bettor mula Pangasinan ang nanalo ng mahigit ₱91 milyon sa Super Lotto 6/49.

Wala ring nakakuha sa ₱22,371,987.33 jackpot ng Lotto 6/42 matapos walang makahula sa kombinasyong 01-16-39-02-42-14.

Sinabi ng PCSO na isa sa bawat 5,245,786 ang posibilidad na mapanalunan ang Lotto 6/42 jackpot. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here