Home HOME BANNER STORY P14.2M shabu sa parcel, nasabat sa Pasay

P14.2M shabu sa parcel, nasabat sa Pasay

1
0

MANILA, Philippines – Kinumpiska ng mga tauhan ng Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (IADITG) ang P14.2 halaga ng shabu na nadiskubre sa loob ng inbound parcel sa isang warehouse sa Pasay City nitong nakarang Miyerkules, Hulyo 8.

Base sa report na inilabas ng IADITG, naganap ang isinagawang interdiction operation ng grupo bandang alas 10:42 ng umaga sa DHL Express Philippines, Cargo Haus Bldg. Custom Bonded Warehouses, Pasay City.

Ayon sa IADITG, ang naturang inbound parcel na idineklarang “plastic and ropes” at ipinadala ng isang Ms. Khiev Sreymean na galing ng Street Lum, Sangkat Phsar Daem Thkov Khan Chamkmron, Phnom Penh, Cambodia at naka-consign kay Wenifreda Cruz ng 130 New Imus Village, Anabu, Imus, Cavite 4103.

Sa pagbubukas ng parcel ay naglalaman ito ng 10 iba’t-ibang kulay ng spools ng tali kung saan nadiskubreng nakatago ang nasa 2,102 gramo ng hinihinalang shabu na ibinalot sa kulay itim na duct tape na may kabuuang halaga na P14,293,600.

Kabilang din sa narekober sa loob ng naturang parcel ang isang transparent plastic bag na mayroong ilang pirasong nakarolyong velcro tape at dalawang transparent plastic bags na ang bawat isa ay mayroong elastic white nylon.

Ang mga nakumpiskang ebidensya ay dinala sa PDEA Laboratory Service para isailalim ang mga ito sa laboratory examination.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 4 Art. Il ng RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek sa Pasay City Prosecutor’s Office.

Ang NAIA-IADITG ay binubuo ng mga operatiba ng PDEA RO NCR kabilang ang Bureau of Customs – Customs Anti-Illegal Drugs Task Force (BOC-CAIDTF); PNP Aviation Security Group (AVSEG); Airport Police Department (APD); PNP Drug Enforcement Group (DEG); National Bureau of Investigation (NBI); at ng Bureau of Immigration (BI). (James I. Catapusan/ larawan ni Jimmy Hao)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here