MANILA, Philippines – Tinangay ng isang lalaking kawantan ang nasa P400,000 cash sa isang St. Jude Thaddeus Parish and Shrine sa Bacolod City noong Miyerkoles ng madaling araw.
Sapul sa CCTV footage ang pagpasok ng suspek sa convent habang ginagamit ang kaniyang damit upang takpan ang mukha.
Ang natangay na pera ay nakalaan sana para pondohan ang mga proyekto ng simbahan.
Kinuha rin ng suspek ang ilang appliances, laptop, at bisikleta ng assistant parish priest.
Pagsapit ng Huwebes ng umaga, nabawi ng mga awtoridad ang lahat ng ninakaw na gamit maliban sa cash.
Ayon sa pulisya, tila kabisado ng suspek ang lugar kaya posibleng dati itong empleyado.
Patuloy ang paghahanap ng mga awtoridad sa suspek. Mary Anne Sapico