MANILA, Philippines – Walang nanalo sa Grand Lotto 6/55 at Mega Lotto 6/45 jackpot prizes na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) noong Marso 17, 2025.
Ang premyo para sa Grand Lotto 6/55 ay umabot na sa ₱135,222,477.60, ngunit walang tumama sa winning combination na 06-12-41-34-44-50.
Samantala, ang jackpot prize ng Mega Lotto 6/45 na ₱13,678,563.40 ay hindi rin napanalunan matapos walang nakahula sa tamang numero na 34-45-31-40-28-42.
Dahil dito, lalo pang lalaki ang premyo sa susunod na draw. RNT