Home METRO P15-M ‘puslit’ na yosi, nasabat sa BARMM; 5 arestado

P15-M ‘puslit’ na yosi, nasabat sa BARMM; 5 arestado

3
0

COTABATO CITY — Tinatayang P15.16 milyon halaga ng hinihinalang smuggled cigarettes ang nasabat sa magkahiwalay na checkpoint operations sa Cotabato City at Matanog, Maguindanao del Norte noong Agosto 18, habang limang indibidwal ang naaresto.

Sa Matanog, naharang ng mga awtoridad ang isang wing van sa Sitio Marayag, Barangay Bayanga Norte dakong alas-5 ng umaga. Sa inspeksiyon, nadiskubre sa sasakyan ang 290 master cases o tinatayang 14,497 reams ng mga sigarilyong Greenhill at Bosqu.

Tinatayang P12.409 milyon ang halaga ng shipment. Ayon sa paunang ulat, hindi umano nakapagpakita ang driver ng kinakailangang dokumento para sa pagdadala at pagmamay-ari ng mga sigarilyo. Dalawang lalaki ang inaresto at dinala sa kustodiya ng Matanog Municipal Police Station habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Sa hiwalay na operasyon sa Diversion Road, Barangay Poblacion 8 sa Cotabato City, tatlo naman ang naaresto matapos maharang ang isa pang wing van na may kargang 110 kahon ng hinihinalang puslit na sigarilyo na nagkakahalaga ng P2.75 milyon.

Ayon sa Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR), hindi rin umano nakapagpakita ng kaukulang dokumento ang mga sakay ng sasakyan para sa naturang shipment.

Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang pinagmulan at destinasyon ng mga nakumpiskang sigarilyo at kung may iba pang indibidwal na sangkot sa kanilang transportasyon at distribusyon. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here