Home METRO P150K ‘damo’ nasabat matapos magduda 2 delivery rider

P150K ‘damo’ nasabat matapos magduda 2 delivery rider

1
0

MANILA, Philippines — Nasabat ng mga awtoridad ang halos P150,000 halaga ng hinihinalang marijuana products matapos magsumbong ang dalawang delivery rider hinggil sa kahina-hinalang parcel na dapat sana nilang ihatid sa Marikina City.

Nangyari ang insidente sa Barangay Parang noong gabi ng Setyembre 18 matapos magduda ang dalawang rider sa package at magpasiyang huwag muna itong dalhin sa drop-off point.

Sa halip, lumapit sila sa isang police officer na nagsasagawa ng covert patrol at dinala ang parcel sa Intelligence Section ng Marikina City Police Station para sa beripikasyon.

Sa pagsusuri, narekober ang dalawang sachet ng hinihinalang high-grade marijuana o kush na tumitimbang ng 28 gramo at tinatayang P42,000 ang halaga.

Nakuha rin ang dalawang pakete ng dried marijuana leaves na may kabuuang bigat na 800 gramo at tinatayang P96,000 ang halaga, gayundin ang siyam na marijuana oil cartridges na may kabuuang 9 milliliters at nagkakahalaga umano ng P11,700.

Umabot sa P149,700 ang kabuuang tinatayang halaga ng mga nakumpiskang item. Isinumite ang mga ito sa police forensic unit para sa laboratory examination.

Pinuri naman ng pulisya ang dalawang rider dahil sa kanilang pagbabantay at pakikipagtulungan sa mga awtoridad.

Kasunod nito, pinaalalahanan ng National Capital Region Police Office ang mga courier company at delivery personnel na maging alerto sa posibilidad na magamit ang lehitimong delivery services sa pagpapadala ng ilegal na droga at iba pang kontrabando. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here