Manila, Philippines – Excited si River Joseph sa pelikulang “Stuck on You” na isa sa mga kalahok sa full length feature category sa CinePanalo Filmfest ngayong taon.
Ito rin kasi ang kauna-unahang pagkataon na magbibida siya sa isang prestihiyosong filmfest.
“Siyempre, kinakabahan at the same time, excited din, “aniya.
After niyang lumabas sa bahay ni Kuya, bet daw niyang pagtuunan ang pag-arte.
“I really want to take acting seriously, so whatever role it is, whatever is needed sa story or whatever my director wants me do, gagawin ko,” bulalas niya.
Dagdag pa niya, first time rin daw niyang maghubad sa pelikula.
Sa nasabing entry, may eksena na may dinukot sa bathtub ang karakter ni Xyriel (Manabat) habang hubad siyang naliligo.
Pagbibiro pa niya, may pa-lapel din daw siya sa nabanggit na obra ni Mikko Baldoza.
“May hinahanap kasi sa akin doon sa eksenang iyon. Pero wala iyon, mas marami pa,” hirit niya.
Sey pa niya, bukas din daw siya sa pagpapa-sexy kung kakailanganin sa kuwento.
Game din daw siya sa butt exposure tulad ng ginawang papuwet ng idolo niyang si Elijah Canlas sa latest movie ng huli.
“I’m open to it. All for the sake of the story,” pahayag niya.
“Idol ko si Elijah. I want to be like that na lahat ng karakter na mabigay sa akin, kaya ko,” dugtong niya.
Sobra rin daw siyang humanga sa co-star na si Xyriel Manabat.
“Xyriel is the best. She’s an amazing actress,” sey niya.
Tungkol naman sa same-sex kissing scene, ayos lang daw sa kanya depende sa proyekto at role.
“If the role is good, if the project is good, why not? I’m an actor,” pagtatapos niya.
Ang “Stuck on You ” ay tumatalakay sa pakikipagsapalaran ng isang manikurista na hindi sinasadyang napasok sa trabaho ng isang hitman.
Sa kuwento, kailangan niyang harapin ang isang mapanganib na sabwatan habang sinusubukang protektahan ang kanyang pamilya.
Kasama rin sa cast sina Roger Naldo, Bob Jbeili, Bombi Plata, Viggo Franco, JM Salvado, Joel Saracho at Renzie Aguilar. Ito ay mula sa direksyon ni Mikko Baldoza.
Ang iba pang kalahok sa full length film category ay ang “Apol of My Ai” ni Thop Nazareno, “Beast” ni Lawrence Fajardo, “Mono No Aware” ni BC Amparado, “Multwoh (Patay na Patay Sa’yo) ni Rodina Singh, “Patay Gutom” nina Carl Joseph Papa at Ian Pangilinan at “Wantawsan” ni Joseph Abello.
Bukod sa 7 full-length films, mapapanood din ang 20 student short films sa festival.
Ayon pa sa festival director na si Chris Cahilig, mas pinaigting ang lineup ng festival ngayong taon.
Ang Puregold CinePanalo Film Festival 2026 ay idaraos mula Setyembre 23 hanggang Oktubre 4 sa Gateway Cineplex 18, Trinoma, Fairview Terraces, Feliz, Ayala Malls Circuit, Ayala Malls Manila Bay at Market! Market! Archie Liao