MANILA, Philippines- Inihayag ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Sabado ang ikalawang major lotto winner sa pamamagitan ng E-Lotto platform.
Nagwagi ang mananaya ng P150 million Ultra Lotto 6/58 jackpot sa winning combination na: 08-24-15-44-04-58.
Base sa PCSO, naitala ang unang E-Lotto winner noong Enero 17, nasungkit ang P698 milyong jackpot sa Grand Lotto 6/55.
Binobola ang Ultra Lotto is tuwing Martes, Biyernes, at Linggo ng alas-9 ng gabi.
Samantala, wala namang nanalo ng Mega Lotto 6/45 jackpot na nagkakahalaga ng P13 milyon. RNT/SA