Home LOTTO RESULT P155.2-M jackpot ng Ultra Lotto 6/58, inuwi ng isang mananaya

P155.2-M jackpot ng Ultra Lotto 6/58, inuwi ng isang mananaya

718
0

MANILA, Philippines – May isa na namang masuwerteng mananaya ang naging milyonaryo matapos niyang mapanalunan ang mahigit P155.2 milyon na jackpot sa 6/58 Ultra Lotto para sa draw noong Nobyembre 30.

Batay sa resulta ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), isang bettor ang nakakuha ng winning combination sa Ultra Lotto — 26-8-20-3-58-28 — na may jackpot na P155,223,593.80.

Samantala, walang nanalo sa 6/49 Super Lotto na may winning combination — 6-32-3-21-10-7 — at may jackpot na P27,769,526.40.

Dahil dito, inaasahang aabot o hihigit pa sa P28 milyon ang jackpot para sa susunod na Super Lotto draw sa Martes. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here