MANILA, Philippines – Isang dating miyembro ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) nitong Miyerkoles kung paano inabuso ni Pastor Apollo C. Quiboloy ang kabataan na kailangan makamit ang P15 milyong quota tuwing Kapaskuhan sa pamamagitan ng caroling.
Sa kanyang testimonya sa imbestigasyon ng Senate committee on women, children, family relations and gender equality, sinabi ni Teresita Valdehueza na isa ang caroling tuwing Disyembre ang pangunahing pinagkakakitaan ng KOJC at kailangan lumahok ang lahat ng miyembro.
“Naghirap ang maraming workers at members sa pag-caroling at pag-solicit sa bawat tao sa lahat ng dako dito sa ating bansa. May namatay, may naaksidente, may nakulong, may mga na-rape pa na hindi na nai-report dahil baka hindi paniwalaan,” ayon kay Valdehueza.
“Meron din po akong quota na P10 to P15 million to raise in the month of December alone. I organized the nationwide caroling to meet my quota. We recruited and trafficked our young people from Mindanao and Visayas to carol in the provinces of Luzon and in the National Capital Region cities,” aniya.
Sinabi pa ni Valdehueza na maraming estudyante ang kailangan lumiban sa kanilang pag-aaral na nagsisimula sa buwan ng Nobyembre upang maka-ipon ng pondo at bigyang prayoridad ang pangangailangan ng Simbahan.
Aniya, walang sinumang miyembro ang maaaring kumuwestiyon kung saan napupunta ang perang nalilikom sa pangangaroling.
Inilantad ito ni Valdehueza sa harap ni of KOJC founder Quiboloy na dumalo sa Senate probe.
Pinabulaanan ni Quiboloy ang lahat ng alegasyon laban sa kany
“Wala po kaming mga polisya na magpalimos ang bata,” aniya.
“Hindi po. Wala pong katotohanan ‘yun,” tugon niya sa tanong ni Senador Risa Hontiveros kung inuutusan niyang mamalimos ang kabataan kahit walang ganoong patakaran ang grupo nito.
Kasunod nito, ibinulgar din ng ilang miyembro na pagkatapos ng Disyembre, kailangan maglako din ang miyembro ng rice cake bilang handog sa Alay kay Kristo, paglilikom ng pondo, , love offerings, television pledges, tithes, at iba pa.
Mula Pebrero hanggang Oktubre, kailangan manolisit ang logistics department sa pamamagitan ng mga asoastyon ng ministriya.
“The supposed income na dapat ibigay sa mga beneficiaries sa mga nasabing associations hindi naman talaga truthfully and honestly naibigay [that should be given to the beneficiaries of the associations weren’t really given]. Only a little portion of the income was shared to the beneficiaries,” ayon kay Valdehueza.
“Ang ibang workers naman walang hinto sa pagtinda rin ng mga kakanin na may quota of P500-P1000 kada araw mula Lunes hanggang Sabado, patuloy niya.
Nahaharap si Quiboloy ng kasong qualified human trafficking sa paglabag sa
Section 4(a) ng Republic Act No. 9208, sa Pasig court. Nahaharap din si Quiboloy ng kasong paglabag sa Section 5(b) and Section 10(a) ng Republic Act 7610 o ang Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act. Ernie Reyes