Home METRO Pag-agos ng lahar namonitor sa 3 bayan sa Albay

Pag-agos ng lahar namonitor sa 3 bayan sa Albay

153
0

MANILA, Philippines – Sinusubaybayan ng mga state volcanologist ang daloy ng lahar sa tatlong bayan sa lalawigan ng Albay sa gitna ng pananalasa ng Tropical Storm Kristine (internasyonal na pangalan: Trami).

“So far, based sa nakalap naming information, may mga lahar occurrences sa Barangay Masarawag sa Guinobatan at sa may Barangay Binitayan sa Daraga,” ani PHIVOLCS Director Teresito Bacolcol sa isang ulat.

“Kahapon, may na-pick up din ang aming streamflow seismometer na may lahar signal sa Barangay Anoling sa may Camalig naman,” dagdag pa niya.

Binalaan ng PHIVOLCS nitong Martes ang mga residente malapit sa Mayon Volcano sa Albay sa daloy ng lahar, maputik na daloy, o maputik na runoff sa mga ilog at drainage area dahil sa malakas na pag-ulan na dala ng tropical cyclone.

Sinabi ng ahensya na ang mga lugar sa katimugang bahagi ng bulkan ay madaling kapitan ng lahar, tulad ng Camalig, Guinobatan, Daraga, Legazpi, at Santo Domingo.

Dagdag pa, sinabi ng PHIVOLCS na walong rockfall events na posibleng sanhi ng Kristine at dalawang volcanic earthquakes ang naitala mula alas-12 ng umaga hanggang tanghali noong Miyerkules. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here