Home METRO P164K ismagel yosi, nasabat sa Cebu

P164K ismagel yosi, nasabat sa Cebu

56
0
Image Representation Only

CEBU, Philippines – Nasamsam ng mga awtoridad ang tinatayang ₱164,000 na halaga ng mga sigarilyong pinaghihinalaang ipinuslit sa isang inspeksyon sa national highway sa Barangay Sangi, Toledo City, Cebu noong Mayo 1 ng hapon.

Isinagawa ang operasyon bandang 3:30 p.m. ng Provincial Intelligence Unit (PIU) ng Cebu Police Provincial Office (CPPO) katuwang ang Toledo City Police Station.

Nakumpiska ang iba’t ibang brand ng sigarilyo kabilang ang Oris, D&J, CANON, UNITED, at Victor Aguila na walang sapat na dokumento.

Ayon sa tala, kabilang sa mga nakuha ang 12 reams ng Oris (₱24,000), 20 reams ng D&J (₱40,000), 8 reams ng CANON (₱16,000), 17 reams ng UNITED (₱34,000), at 25 reams ng Victor Aguila (₱50,000).

Aabot sa ₱164,000 ang kabuuang halaga ng nasamsam na produkto.

Dinala ang mga nakumpiskang sigarilyo sa PIU office para sa dokumentasyon at imbestigasyon.

Ayon sa mga awtoridad, batay sa paunang impormasyon mula sa ilang tindahan, ang mga sigarilyo ay umano’y idinideliver ng isang hindi kilalang distributor gamit ang puting van mula sa Cebu City.

Napansin din na mas mababa ang bentahan ng mga produkto kumpara sa legal na presyo, na nagdulot ng hinala na ito ay smuggled.

Patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang pinagmulan ng mga produkto at ang mga sangkot sa umano’y illegal distribution. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here