MANILA, Philippines – Wagi ang nag-iisang bettor ng mahigit P17.5 milyon sa Megalotto 6/45 draw nitong Lunes.
Natumbok ng lucky bettor ang winning digits na 36-25-19-37-07-11 at makapag-uuwi ng P17,567,700.60 jackpot.
Samantala, wala namang nanalo sa isa pang major lotto draw, ang Grand Lotto 6/55 na may jackpot prize na P82,749,085.40 at may winning digits na 34-22-46-43-33-28. RNT