Home METRO P17.5M winning lotto ticket nabili sa Odiongan, Romblon

P17.5M winning lotto ticket nabili sa Odiongan, Romblon

MANILA, Philippines – Sa Odiongan, Romblon lotto outlet nabili ang winning ticket na may jackpot prize na P17.5 milyon, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Martes, Hulyo 9

Matatandaang inanunsyo ng PCSO nitong Lunes, Hulyo 8 na isang lucky bettor ang nakatumpak sa winning digits na 36-25-19-37-07-11.

Dahil lumampas sa P10,000 ang jackpot prize, sinabi ng PSCO na sasailalim ito sa 20 percent tax deduction sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN Law.

Kung ang jackpot prize ay mananatiling hindi na-claim isang taon pagkatapos ng petsa ng draw, ito ay mawawala at mapupunta sa PCSO Charity Fund, tulad ng nakasaad sa ilalim ng Republic Act 1169 o ang PCSO Charter.

Ang 6/45 draw ay ibinobola tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes. RNT