Home METRO Patay sa naanod na sasakyan sa Cebu umakyat na sa tatlo

Patay sa naanod na sasakyan sa Cebu umakyat na sa tatlo

CEBU – UMAKYAT na sa tatlo ang nasawi– kabilang ang dalawang bata– habang nasa apat pa rin ang nawawala matapos maanod ng baha sa ilog ang isang pick-up na may lula na 17 katao sa Carmen, Cebu.

Matatandaang nangyari ang insidente nitong hapon ng Lunes sa Barangay Cantumog.

Ayon sa awtoridad, galing sa resort ang mga biktima at pauwi nang madaanan nila ang binahang kalsada dulot ng pag-ulan, na malapit sa ilog.

Base sa ulat, tumama umano ang sasakyan sa isang malaking bato kaya tumigil ito sa pag-usad at nagkaroon ng pagkakataon ang mga rescuer na masagip ang 10 na nasa ibabaw ng sasakyan.

Patuloy na hinahanap ang apat na nawawala. RNT