Home NATIONWIDE PBBM: First Lady Liza, tiyahin nina Bimby at Josh

PBBM: First Lady Liza, tiyahin nina Bimby at Josh

MANILA, Philippines – “We’ve always been okay, we just don’t agree politically.”

Ito ang naging tugon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nang tanungin ukol sa ‘alitan’ sa pagitan ng pamilya Marcos at Aquino.

Nito lamang araw ng Martes, Hulyo 9, ibinahagi ni Unang Ginang Louise “Liza” Araneta-Marcos ang mga larawan ng anak ng aktres at TV host na si Kris Aquino na sina Josh at Bimby nang bisitahin ng mga ito ang kanyang tanggapan.

Sinabi ni Pangulong Marcos, ang aktres, kasalukuyan ngayong nasa Estados Unidos para magpagamot, humihiling ng travel assistance, na hindi naman idinetalye pa ng Pangulo.

Ikinalugod naman ni Pangulong Marcos ang ginawa ng magkapatid na sina Josh at Bimby sa pagbisita sa Unang Ginang.

“The reason na pinuntahan nila si First Lady ay simple lamang, nangailangan si, I think it was Kris Aquino who needed some assistance for something,” ayon kay Pangulong Marcos.

“So tumulong si First Lady, sabi niya magpasalamat sila … and so I think it was a fine gesture on the part of the Aquino family,” aniya pa rin.

Sinabi pa ni Pangulong Marcos na si Unang Ginang Liza ay malayong-kamag-anak nina Josh at Bimby.

“Liza is their aunt. Dahil ang kanyang auntie ay napangasawa si Don Pepe na eldest brother of Cory so they are related,” ayon sa Pangulo. RNT