Home METRO P18.7M ilegal na droga nakumpiska, 795 nadakip sa Calabarzon

P18.7M ilegal na droga nakumpiska, 795 nadakip sa Calabarzon

LUCENA CITY- Umabot sa P18,741,107 halaga ng ilegal na droga ang nakumpiska ng mga awtoridad sa Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, and Quezon (Calabarzon) sa nakalipas na buwan nilang operasyon.

Sa ipinalabas na report ni Brigadier General Paul Kenneth Lucas, director ng Police Regional Office 4A (PRO-4A), nitong Miyerkules, nadakip ng mga ahente ng anti-narcotics 795 na hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa 1,006 anti-illegal drug operations sa buong rehiyon sa nakalipas na buwan.

Nakumpiska sa nasabing mga operasyon ang 2,716.43 gramo ng shabu (crystal meth) at 2,224.84 gramo ng marijuana na may kabuuang halaga na P18,741,107.

Nadakip sa naturang operasyon ang 2,029 illegal gamblers at 868 wanted na may mga kasong kriminal ay ilan sa mga ito ay mga nasa most wanted list sa rehiyon.

Hindi rin nakaligtas ang 89 illegal gun holders at nakumpiska ang 134 loose firearms.

Sumuko rin sa PRO 4A ang 25 hinihinalang kasapi ng New People’s Army (NPA) na agad na inasikaso para sa programa ng pamahalaan na E-Clip o Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-Clip).

Kabilang sa programa ay ang libreng medikal, edukasyon, pabahay, legal aid at makatatanggap din ang mga ito ang pinansyal na tulong at iba pang benepisyo para sa pagbabagong-buhay ng kanilang pamilya. Mary Anne Sapico

Previous articlePekeng NBI agent na nangotong sa perya timbog!
Next article3 HVI tiklo sa P3M shabu