Home METRO Pekeng NBI agent na nangotong sa perya timbog!

Pekeng NBI agent na nangotong sa perya timbog!

MANILA, Philippines- Arestado ng National Bureau of Investigation- Central Luzon Region Office ang dalawang indibidwal na nagpanggap na ahente ng ahensya para makapangikil sa isinagawang entrapment operation sa Pulilan, Bulacan.

Kinilala ang mga naaresto na sina Timothy James Tibajia at William Ang na nahaharap sa mga kasong Robbery/Extortion, Usurpation of Authority of Official Function at Illegal Possession of Firearms.

Nag-ugat ang operasyon mula sa complainant na nagreklamo na si Tibajia at kasabwat ay nagpakilala bilang NBI agents na nangikil ng pera mula sa complainant na nag-ooperate sa peryahan.

Humirit umano ang suspek ng P200,000 protection money at binantaan ang complainant na ipasasara ang operasyon ng perya kapag hindi ito nagbayad ng demand money.

Bunsod nito, dumulog ang complainant sa NBI at ikinasa ang entrapment sa napagkasunduang meeting place sa Pulilan, Bulacan kung saan naaresto ang mga suspek. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleLola tinaga ng anak, patay; pinsan, 2 pamangkin sugatan
Next articleP18.7M ilegal na droga nakumpiska, 795 nadakip sa Calabarzon