Home NATIONWIDE P195B flood control budget ililipat ni PBBM sa emergency aid efforts

P195B flood control budget ililipat ni PBBM sa emergency aid efforts

293
0

MANILA, Philippines – IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., araw ng Biyernes ang realignment ng mahigit sa P192 bilyon na orihinal na nakalaan para sa flood control projects para pondohan ang distribusyon ng emergency aid sa mga lugar na apektado ng kamakailan lamang na mga bagyo at mga kalamidad sa hinaharap.

Sa isinagawang pamamahagi ng tulong sa mga magsasaka at pamilyang apektado ng kamakailan lamang na kalamidad sa City of San Fernando, La Union, binigyang diin ni Pangulong Marcos ang pangangailangan na baguhin ang prayoridad at kagyat na tugunan ang mga pangangailangan ng ‘displaced at vulnerable Filipinos.’

Winika ng Pangulo na ang realigned funds na orihinal na inialaan para sa flood mitigation projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ay gagamitin ngayon para palakasin ang emergency relief operations sa mga disaster-hit areas.

“Nais kong ipaalam sa ating mga kababayan na mahigit P195 bilyon ang pondo ng DPWH ay ating ia-allocate,” ang sinabi ng Pangulo sa kanyang naging talumpati sa isinagawag aid distribution sa Speaker Pro Tempore Francisco Ortega Convention Center.

“Nakapag-savings po tayo dahil marami kaming nakitang project na hindi talaga tumutugon sa mga problema. May mga ghost project pa, hindi maganda ang pagkakagawa. Tinigil ko lahat iyan para matiyak natin na tama naman ang paggamit ng pera ninyo. Hindi pera ng gobyerno ito. Pera ng taumbayan ito,” aniya pa rin.

Tinuran ng Pangulo na nais niyang masiguro na magagamit ng tama ang public funds sa pamamagitan ng i-redirect ang flood control funds sa mas ‘urgent’ at makabuluhang aid programs.’

Binigyang diin nito ang kahalagahan ng proactive government action, nagbabala na ang panibagong bagyo ay inaasahan na tatama sa bansa.

“Kaya’t tinitiyak natin na tama ang gawa. Sa kakaimbestiga namin, nakapag-savings po tayo ng malaki. Kaya ‘yung saving po na ‘yun, doon natin kukunin ang mahigit P195 bilyon para ilalagay natin sa lahat ng pagtutulong, lahat ng benefits para sa ating mga kababayan,” aniya pa rin.

Habang isinasagawa ang programa, pinangunahan ni Pangulong Marcos ang distribusyon ng fuel assistance cards na nagkakahalaga ng P3,000 sa bawat 275 farmer-recipients na nagmamay-ari o nagrerenta ng agricultural machinery na ginagamit para sa mga mga pananim, livestock, at poultry production, at rehistrado sa Registry System for Basic Sector in Agriculture.

Ang Fuel Assistance to Farmers ay isang proyekto ng Department of Agriculture (DA) para “enhance the resiliency and cushion the impact of rising oil prices on the farming sector.”

Sa kabilang dako, namahagi rin ang DA ng inorganic fertilizers bilang isang subsidya sa mga magassaka para sa mga pangunahing mga kalakal gaya ng bigas, para palakasin ang produksyon at ani, bawasan ang farming costs, at i -promote ang balanseng paggamit ng organic at inorganic fertilizers, habang binabawasan ang pagsandal sa isang ‘single type’ ng pataba.

Samantala, may kabuuang 1,207 fertilizer bags, ang bawat isa ay tumitimbang ng 50 kilograms, ang tinurn over sa local government units ng San Fernando City, San Juan at Bacnotan sa pamamagitan ng kani-kanilang municipal agriculturists.

Ang bawat isa sa 800 pamilya na lubhang apektado ng kamakailan lamang na kalamidad ay makatatanggap ng P10,179 na cash assistance at family food packs mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD). Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here