Home NATIONWIDE P1M tobats nakumpiska sa mananahi, kasabwat

P1M tobats nakumpiska sa mananahi, kasabwat

RIZAL- HIGIT sa P1 milyong halaga ng shabu ang nasamsam ng mga awtoridad sa dalawang suspek kabilang ang isang mananahi sa isinagawang buy bust operation noong Miyerkules sa bayan ng Rodriguez.

Sa pinagsamang operasyon ng Municipal Drug Enforcement Team (MDET) ng Rodriguez PNP at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) IV-A, nadakip ang mga suspek na kilalang sina “Angie,” 30, at “Patrick,” 44, kapwa nasa high-value individuals (HVIs).

Nakuha sa mga suspek ang 6 na pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu na may bigat na 150 gramo at umabot sa halagang P1,020,000.

Nakakulong ngayon sa lock-up cell ng Rodriguez Police at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002)./Mary Anne Sapico