Home NATIONWIDE P2.3M pabuya iginawad ng PNP sa tipsters

P2.3M pabuya iginawad ng PNP sa tipsters

MANILA, Philippines- Iginawad ng Philippine National Police (PNP) nitong Biyernes ang kabuuang ₱2,295,000 sa tipsters na nagbigay ng impormasyong nagresulta sa pagkakaaresto sa mga wanted na indibidwal na sangkot sa mabibigat na kaso.

Pinangunahan ni PNP chief Police General Nicolas Torre III ang ceremonial awarding ng monetary rewards at nagpasalamat sa “katapangan” ng mga indibidwal na nakibahagi sa “risky yet critical mission.”

Nasa 16 tipsters ang dumalo sa seremonya.

“Ang inyong ginawa ay napakadelikado at napakaselan, pero kailangan nating maalis sa komunidad ang mga wanted persons. Ang pera ay maliit na bagay, pero napakalaking tulong ito para sa atin at ito ay taos-pusong ipinapaabot ng ating gobyerno,” wika ng opisyal.

Nagpasalamat din si Torre sa PNP Command Group, staff, at field operatives para sa patuloy nilang suporta sa pagsusulong ng hustisya at kaligtasan ng publiko. RNT/SA