Home NATIONWIDE P2.4-M droga nasabat ng NBI sa Pampanga

P2.4-M droga nasabat ng NBI sa Pampanga

231
0

MANILA, Philippines – Nasabat ng National Bureau of Investigation (NBI) ang P2.4 milyong halaga ng illegal na droga na idineklarang pagkain ng hayop sa Mabalacat City, Pampanga.

Sinabi ng NBI na ang illegal na droga ay nasabat sa United Parcel Service (UPS) warehouse sa loob ng Clark Freeport Zone sa interdiction operation na isinagawa ng Clark International Airport Inter Agency Drug Interdiction Task Group (CRK-IADITG), na binubuo ng NBI Pampanga District Office (NBI-PAMDO), Philippine National Police (PNP), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), at Bureau of Customs (BOC).

Gayunman, sinabi ng NBI na walang naarestong suspek sa panahon ng operasyon.

Ayon sa NBI, nakumpiska ang 1,003 piraso ng MDMA o kilala bilang Ecstasy, dalawang transparent plastic pouches na naglalaman ng Methylmethcathinone, at 156 gramo ng Ketamine.

Ang operasyon ay nag-ugat sa kargamento na umano’y may kargang illegal na droga na idineklara bilang animal food.

(Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here