Home NATIONWIDE Pagsantabi sa international laws ikinalungkot ni Pope Leo

Pagsantabi sa international laws ikinalungkot ni Pope Leo

200
0

VATICAN – Sinabi ni Pope Leo noong Huwebes na nakakalungkot na makitang hindi na ‘binding’ o iginagalang ang mga internasyunal na batas.

Ayon sa Papa, nakakapanghinayang makita ngayon na ang lakas ng internasyonal na batas at humanitarian law ay tila hindi na nagbubuklod, na pinalitan ng inaakalang karapatang manaig sa iba.

Dagdag pa ni Pope Leo, ito ay hindi karapat-dapat at kahiya-hiya para sa sangkatauhan at para sa mga pinuno ng mga bansa.

Binigyang-diin din ng papa na ang kasaysayan ay napatunayang hindi nagdudulot ng kapayapaan ang digmaan.

“How can we believe, after centuries of history, that acts of war bring peace and do not turn against those who wage them?” sabi ng papa.

Nanindigan ang pontiff na “ang mga pundasyon ng bukas ay dapat na inilatag nang may pagkakaisa at isang ibinahaging pananaw na inspirasyon ng kabutihang panlahat.”

(Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here