Home METRO P2.4M marijuana winasak sa Ilocos Sur, Benguet

P2.4M marijuana winasak sa Ilocos Sur, Benguet

ILOCOS SUR- Nagkakahalaga ng P2,400,000 ang pinagbubunot at sinunog ng mga otoridad na marijuana seedlings at fully grown marijuana plants sa taniman na nadiskubre nila sa disputed boundary ng Brgy. Licungan, Sugpon, Ilocos Sur at Brgy. Tacadang, Kibungan, Benguet kahapon ng umaga, Agosto 21.

Nagsasagawa ng marijuana eradication operation ang combat group na may code name na “Redhorse” ng ISPMFC kasama ang mga personnel ng ISPIU; PDEU ISPPO; at PDEA, ISPO nang madiskubre nila ang naturang taniman na tinatayang may lawak na 2,000 square meter.

Nasa 12,000 na marijuana seedlings at 12,000 na fully grown marijuana plants ang winasak ng mga otoridad.

Walang marijuana cultivator na naaresto ang mga otoridad mula sa nadiskubreng taniman ng marijuana. ROLANDO S. GAMOSO