Home OPINION RVP DELIO ASERON II NG PHILHEALTH REGION X, TUMANGGAP  NG PAGKILALA MULA...

RVP DELIO ASERON II NG PHILHEALTH REGION X, TUMANGGAP  NG PAGKILALA MULA SA UPAA

182
0
NAGPAPAHATID ng mainit na pagbati ang inyong Agarang Serbisyo Lady sa ating kaibigan at hinahangaang si Sir Delio A. Aseron II na kasalukuyang regional vice president for Northern Mindanao (Region X) ng Philippine Health Insurance Corporation (PHILHEALTH) na tumanggap ng pagkilala mula sa University of the Philippines Alum­ni Association (UPAA) nitong August 17, 2024.
Si Sir Delio ay nahirang bilang 2024 UPAA Distinguished Alumni Award in Public Service in Health Service Promotion dahil ito sa kanyang malaking kontribusyon sa PHILHEALTH sa iba’t ibang kapasidad niyang ginampanan sa central office man o sa Region X office.
Matagal ko nang kaibigan si Sir Delio at wala yatang media person na hindi siya nakikilala dahil malakas ang public relations ng taong ito at mahusay siya magpaliwanag talaga, lalong-layo noong siya nasa Action Center, kapag may tumawag o mag-text sa Action Center Hotline hotline, kaagad niya naaayos kaya iyon ang dahilan kung bakit siya tinawag na “Mr Action Man”.
Sa programang “Health & Travel @ Serbisyo Publiko” inyong Aga­­­rang Serbisyo Lady. Kapag siya ang nagsasalita ukol sa mga prog­rama ng PHILHEALTH ay madaling maintindihan lalo na ng mga ordinaryong tao. Mahalaga kasing malaman kung ano ang nangyayari sa health insurance corporation lalo pa’t kalusugan ng sambayanan ang kanilang mandato.
Personal kong nasaksihan ang kahusayan ni Sir Delio mula sa PhilHealth Action Center, hanggang sa pagiging Branch manager ng PhilHealth Local Health Insurance Office (LHIO) Caloocan at sa Valenzuela.
Dalawang beses ang pagbisita ng inyong lingkod sa Cagayan de Oro city kung saan si Delio Aseron ang regional vice president ng regional office ng PHILHEALTH Region 10.
Maayos at mabilis ang implementasyon ng Universal Health Care (UHC) sa mga lalawigang bumubuo sa Northern Mindanao kabilang ang Bukidnon, Camiguin, Lanao delNorte, Misamis Occidental, at Misamis Oriental, kabilang din ang highly urbanized cities ng CDO at Iligan, dahil sa pagtitiyaga niyang magkaroon ng serye ng mga dayalogo para maintindihan nila ang halaga at proseso ng batas. Mas madali kasi ang pagsunod kapag naiintindihan kung ano ba itong UHC at gaano ito kahalaga sa ordinaryong mga mamamayan.
Tiyak na mas marami pang parangal ang matatanggap ni Sir Delio sa kanyang karera dahil nga sa kanyang kahusayan, kasipagan at kagandahang asal.
Tunay na dapat siyang ikarangal ng University of the Philippines. Ang mga katulad niyang technocrat ang kailangan para maipatupad ang mga mahuhusay na programa ng pamahalaan.
Hindi kasi sila tumitingin sa kung sino kung hindi sa kung ano ang benepisyo nito sa sambayanan at sa bansa.
Muli, congratulations, Sir Delio.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here