Home METRO P2.7M shabu at drug den sinalakay sa Pampanga ops

P2.7M shabu at drug den sinalakay sa Pampanga ops

125
0

PAMPANGA- UMABOT sa P2.7 milyon halaga ng shabu ang nasamsam ng mga awtoridad at sinalakay ang isang drug den na nagresulta sa pagkakadakip sa dalawang suspek sa magkahiwalay na anti-drug operations sa lalawigang ito.

Batay sa report ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 3, nadakip ang suspek na kinilala sa pangalan Ben, 30, residente ng Angono, Rizal.

Isa sa mga pulis ang nagpanggap na bibili ng shabu sa suspek na nagresulta sa pagkakadakip kay Ben at nakuhaan ito ng higit sa 410 gramo ng shabu at sling bag.

Samantala, sinalakay naman ng mga kooperatiba ang isang drug den sa Mabalacat City na ikinadakip ng 5 suspek kabilang ang drug den operator na kilala sa pangalang Rolly.

Nakuha sa mga suspek ang apat na pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu na aabot sa halagang P68,000, cellphone, at motorsiklo.

Nakakulong ngayon sa PDEA Region 3 jail facility ang mga suspek at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here