Home METRO P2.8M shabu, marijuana nakumpiska sa 4 big-time tulak sa Cavite

P2.8M shabu, marijuana nakumpiska sa 4 big-time tulak sa Cavite

MANILA, Philippines – Inaresto ng pulisya ang apat na big-time tulak sa Cavite makaraang makuhanan ng aabot sa P2.8 milyong halaga ng shabu at marijuana.

Sa ulat nitong Biyernes, Pebrero 9, sinabi ng Police Region 4A (PRO-4A) na naaresto ng mga operatiba sina alyas “Alberto,” “Mariede,” at “Calix” sa buy-bust operation na isinagawa 2:30 ng hapon sa parking lot ng isang fast food chain sa Barangay Paliparan 3.

Itinuturing na high-value targets ang mga suspek.

Nakuha sa kanila ang dalawang knot-tied plastic bags na naglalaman ng 200 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1,360,000.

Nakuha rin sa kanila ang pitong bricks ng marijuana na may timbang na 7,000 gramo at nagkakahalaga ng P840,000.

Narekober sa kanila ang isang mobile phone na susuriin para sa rekord ng kanilang mga transaksyon, at motorsiklo na ginagamit ng mga suspek sa kanilang pagtutulak.

Samantala, naaresto rin ng mga awtoridad si “Bryan” sa isa pang operasyon sa Barangay Zone 4 alas-8 ng gabi.

Nakuha mula sa kanya ang nasa 100 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P680,000.

Tinukoy din ang suspek na high-value individual.

Inaalam na ang pinagkukuhanan ng shabu at marijuana ng mga nahuling suspek.

Nahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT/JGC

Previous articleLalaking nanaga ng kaalitan, patay sa sekyu
Next articlePatay sa landslide sa Davao de Oro, 15 na