Home METRO Lalaking nanaga ng kaalitan, patay sa sekyu

Lalaking nanaga ng kaalitan, patay sa sekyu

MANILA, Philippines – Patay ang lalaking nanaga ng isa pang lalaki na nakaalitan nito sa Pedro Gil Street sa Maynila nitong Huwebes ng gabi, Pebrero 8.

Ito ay makaraang mabaril at mapatay naman siya ng umawat na gwardya.

“‘Yung isang security guard na naka-duty malapit sa hotel, doon sa pinangyarihan ng pananaga, ay umaawat. Doon naman siya pinagbalingan ng galit nitong lalaki na kanyang nabaril later on at ikinasawi nito,” pahayag ni PCpt. Dennis Turla, hepe ng MPD-Homicide Section.

Ayon sa mga testigo, nagpaputok ng warning shot ang gwardya upang mapigilan ang patuloy na pananaga ng suspek sa biktima.

“Sa sobrang awat po ay humarap sa kanya ‘yung nananaga. Parang aambahan siya ng pananaga. Wala po siyang kasalanan kasi sa sobrang awat niya po noong time na ‘yun,” pagbabahagi ni alyas Tess sa panayam ng ABSCBN News.

Narekober naman ang itak na ginamit sa pananaksak.

Samantala, hawak na ng pulisya ang gwardya na nakabaril sa suspek na nanaga.

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya at inaalam ang motibo sa pananaga. RNT/JGC

Previous articleBong Go kinilala bilang ‘cancer warrior’
Next articleP2.8M shabu, marijuana nakumpiska sa 4 big-time tulak sa Cavite