Home NATIONWIDE P2 kada litro posibleng dagdag sa presyo ng diesel, P1.2 sa gasolina

P2 kada litro posibleng dagdag sa presyo ng diesel, P1.2 sa gasolina

291
0

MANILA, Philippines – Mas tumaas ang pagtaya ng oil companies sa posibleng maging dagdag sa presyo sa kada litro ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Batay sa final projections ng Jetti Petroleum, posible ang nasa P1.90 hanggang P2.10 kada litro na dagdag sa presyo ng diesel.

Posible naman ang P1 hanggang P1.20 kada litro na dagdag sa presyo ng gasolina.

Ayon kay Jetti President Leo Bellas, ang pinakahuling sanction sa Russia ang posibleng nagdulot ng epekto sa global oil market.

“Main reason is worries that the new sanctions by the US (United States) on Russia’s two biggest oil companies will have significant implications on the Asian market as Chinese state oil majors are set to suspend Russian oil purchases and refiners in India are preparing to sharply cut Russian crude imports,” ani Bellas.

Noong nakaraang linggo, tumaas na rin ang presyo ng gasolina sa P0.10 kada litro bagamat bumaba ng P0.70 ang kada litro ng diesel. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here