Home NATIONWIDE P2-M tobats nasawata sa Bacolod mula sa tip sa Hotline 8888

P2-M tobats nasawata sa Bacolod mula sa tip sa Hotline 8888

216
0

BACOLOD CITY – Isang tip mula sa 8888 Citizens’ Complaint Center ang nagresulta sa pag-aresto ng dalawang indibidwal at pagkumpiska ng tinatayang PHP2.04 milyong halaga ng shabu sa Bacolod City, ayon sa Police Regional Office – Negros Island Region (PRO-NIR).

Ang mga suspek na sina “Niño,” 23, at “Steph,” 21, residente ng Purok Saturn, Barangay Handumanan, ay naaresto sa isang buy-bust sa Deca Homes Subdivision, Barangay Cabug noong Lunes.

“Every tip, every act of vigilance strengthens our efforts. PRO-NIR, hand in hand with the people, we will keep every neighborhood safe,” ayon kay PRO-NIR Director Arnold Thomas Ibay.

Napansin ng mga residente ang maraming motoristang lumilibot sa lugar, at iniulat ng isang confidential informant ang partisipasyon ni Niño sa illegal drug trade sa ilang barangay. Matapos ang surveillance at kumpirmasyon ng ilegal na aktibidad, isinagawa ang buy-bust operation.

Haharapin ng mga suspek ang kaso batay sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, kabilang ang pagbebenta, pag-aari, at conspirasya sa ilegal na droga. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here