Home HOME BANNER STORY P20.4M shabu nasabat sa Chinese national, 2 iba pa

P20.4M shabu nasabat sa Chinese national, 2 iba pa

MANILA, Philippines – SWAK sa kulungan ang isang Chinese national at dalawa pa na pinaniniwalaang big-time drug pusher makaraan ang isinagawang buybust operation, Sabado ng madaling araw, Hunyo 28 sa Brgy Zapote 3, Bacoor City, Cavite

Ayon sa report ng pulisya, naaresto ang mga suspek na kinilalang sina alyas Dave, alyas Sha at ang Chinese National na si alyas Cho.

Batay sa ulat, dakong alas-4 ng madaling araw nang maglatag ng drug buy-bust ang pinagsanib na puwersa ng Bacoor Component City Police, Drug Enforcement Unit at PDEA laban sa mga suspek.

Nakumpiska sa mga ito ang tatlong malalaking plastic bag na naglalaman ng mahigit sa tatlong kilo ng shabu na aabot sa halagang P20,400,000.00.

Nahulihan din ang mga ito ng isang Cal 45 armscor na may serial number na 1168426 na loaded ng magazine at bala, isang cal 38 revolver na loaded ng mga bala, isang alien ID na may pangalang “BYEONGJUN CHO”, mga cellphone, isang orange bag na may Chinese character, isang itim na bag, at ang kotseng gamit ng mga ito na Honda Civic 1997 model na may plate number WEW 40. MARGIE BAUTISTA